CDO chuvaness


Advertisement
Philippines' flag
Asia » Philippines
October 6th 2006
Published: January 25th 2008
Edit Blog Post

cdo adventurecdo adventurecdo adventure

after the pinoy rafting (water tubing)
unahin natin ang paglalamyerda ko sa cdo (cagayan de oro nde yun tatak ng ham).

ganito kasi yun. ang flight namin manila to cdo. pagdating ng cdo deretso bus terminal papuntang iligan. mga 2 hours din yun. tapos after ng iligan, that same day, balik kami cdo. kinabukasan start ng aming adventure.

day 1:

canopy walk. sa dome namin ni-book lahat ng cdo activities namin. matagtag ang byahe. 2 hours ang byahe. ibang province kasi yung cdo sa claveria. tapos rough road yung kalahati ng 2 hours. feeling ko nga sobrang nag-bounce na ang lahat ng pedeng mag-bounce. pwet. puson. bilbil. boobs. baba. lahat na! feeling ko na-rearrange anatomy ng katawan ko . pagdating namin sa bundok na yun (na nakalimutan ko pangalan) binigyan kami ng mahabang kahoy sabay trek. yoko talaga yung mga trek na ganun e. gusto ko patag lang lagi ang daan. pero ano pa nga ba magagawa ko. 900 pesos yun. so trek! medyo carry naman e. buti na lang mabisa talaga ang tawas na durog. hindi nagpawis ang kilikili ko. mabuhay ang tawas! . mga 45 minutes ata yung trek namin. kasi mabagal lang phase namin. sabi nga enjoy the journey. pagdating sa 1st deck sinuotan na kami ng parang lampin na leather na may mga harness. instruction kung pano gamitin ang harness at kung anu-ano pang chuvaness. tapos un na, magta-tyrolean glide daw kami. ah eh. ate? ano ung tyrolean glide? hehe. syempre ang alam ko lang e seasaw at duyan. malay ko sa mga ganyan! pero nalaman ko rin kung ano. kala ko nga matatakot ako e. pero akalain mong mag-enjoy ako! sarap mhen!

pero nung tatawid na sa first hanging bridge. syet. parang nawindang na ako. medyo takot lola nyo sa heights e. tapos ang ninipis pa ng steps. tapos ang laki ng awang. tipong pag nagkamali ka ng apak 100 feet lang naman babagsakan mo. pray ka na lang na sana beauty ka pa rin pagbagsak mo at hindi ma-deform ang mukha mo sa dami ng puno, bato na tatamaan pababa. pero naka-survive naman. 6 na bridges yun day! tapos pagdating sa last bridge. kainan na ng lunch. nagutom ako sobra! nakakagutom matakot . nakatatlong puso ako (pu-soh'). at ilang parts ng lechong manok . take note ha. bihira akong kumain ng kanin. pero tatlong puso yun. tapos napansin namin. pano kaya kami babalik sa starting point e mukhang dead end na yung deck na pinagkakainan namin. yun pala babalikan namin ulit ung 6 bridges na yun. gudnes! buti na lang sa dami ng bridge na yun sisiw na yung pagbalik. kungbaga e nasanay na kami. ang bilis ko na nga e. parang naglalakad na lang ako sa banketa. aliw.


day 2:

eto ang malupit. yung iba sa min nag-spelunking sa kweba de oro e. kaso di ako fan ng caves e. atsaka nakapag sagada na ako kaya pass na ako dun. tsaka mahal e. 1000 plus each. so naiwan kami nung isa kong prendship sa jeep habang nakikipag-chikahan ke jerome. aliw kausap si jerome. nag-comment pa sya na ibang klase daw makipag-negotiate ang babae. galing ko raw mag-negotiate. haha. anyway. kwento sya pano nag-start ang dome. etcetera. nakakatuwa yung taong yun. pasaway in a nice way. hehe. basta aliw sya.

teka. nde yan ang malupit na sinasabi ko e. ang malupit ung water tubing pero mas kilala sa tawag na pinoy rafting. sabi ng mga locals dun mas matindi ang adventure pag pinoy rafting keysa sa western rafting (white water rafting). so after ng caving nung kasama ko nag-lunch kami sa kusina-8 tapos punta sa river. tapos suot ng vest. pero nasa taas pa kami ng river. kasi nasa bridge kami. so yun na. kelangan naming tumalon sa bridge papuntang river! pwedeng mag-hagdan kaso kantyaw ang aabutin mo sa mga kasama mo. tsaka syempre matapang ako kunyari, ever . so yun na. 7 kasi kami. may naunang 4. tapos isip ko ayokong mauna kasi learn from other people's mistakes nga di ba? hehe. kaya intayin ko muna may mauna para 'may i' observe muna ako. ayoko rin ng huli kasi ayoko ma-pressure dahil baka madaliin ako. so pang 5th ako. sabi ni jerome. paglabas mo dun sa parang fence ng bridge dapat di kami magtagal dun. dahil matatakot na talaga kami tapos di na kami tatalon talaga. so yun din dahilan kaya pinauna ko sila. para ma-kalma ko muna sarili ko, kasi nakikita ko pa lang ung lalim ng tatalunan ko panic mode na talaga ako!

pero ayun. buo na ang loob kong ako na ang pang-5th. so labas na ako ng fence ng bridge. one step lang kelangan ko jump na yun, so isip ko "easy lang to, ang gagawin ko pagbaba ko dun sa jump point la nang isip-isip talon na agad para no room for takot na". e ang kaso, pagtawid ko ng fence. nakita ko ung river. biglang "kuya magii-stairs na lang ako! di kaya ng powers ko!". pasaway di ba? sus. syempre mega cheer naman sila. "kaya mo yan. kaya mo yan". e leche. kinakabahan na nga ako 'no. tingin daw ako sa malayo. kaso nai-imagine ko na makikita ko na dahan-dahang bumababa ang horizon habang pababa ako sa tubig kaya panic pa rin. "sige na kaya mo yan.tanggalin mo kaya hikaw mo at baka mawala" . haha. syempre dahil sa ka-kikayan ko, for the love of fashion talagang may hikaw pa ako. haha. anyway. ayun nga. inhale. exhale. inhale. exhale. walang katapusang inhale-exhale. biglang-- "o tingin muna dito picture". smile naman ako. haha. nakalimutan ko ng 5 seconds ang takot ko dahil sa picture. tapos inhale-exhale ulit. "sige na. kaya mo yan". pero pasaway pa rin ako. mega hawak pa rin ako sa bridge. para talaga akong timang . mga 3 minutes siguro akong nag-inarte. hanggang finally. slow motion itoh! tumayo na ako ng straight. hawak sa vest. dahan-dahang inangat ang isang paa. ni-forward ang paa. at-----

juskupu!!!!
ang kaluluwa ko parang naiwan sa taas.
syet.
ang tagal naman dumating ng tubig.
aagggggh!
ayoko na!

blag.

ay tubig na. galing. .

tapos palakpakan sila. haha. whew! kaso mali ang bagsak ko. dapat kasi feet together at straight body. e dahil nga nag-panic ako habang nasa ere e napa-slouch ako at una ung pwet ko sa tubig. kaya eto. may pasa ako sa left hita lapit sa pwet na kasing laki ng sizzling plate (totoo). para akong ni-hazing .

pero di pa dyan nagtatapos. simula pa lang yun e. so sakay na kami sa raft. proud nga ako sa pinoy rafting na yun e. kasi unique. salbabida sya na dikit-dikit na may pansalo sa pwet tapos uupo ka dun at hahawak ka sa mga tali sa gilid. sabi sa min 14 rapids yun. di pede dumaan dun ang raft na pang white-water rafting kasi di kakayanin. o diba! proof lang na mas mahirap ang pinoy rafting (aka water tubing). 3 kami sa raft. pang-apat yung guide. so ayan na. 1st rapid. medyo panic. pero carry pa naman. 2nd rapid. ok pa. di ko alam kung pang-ilang rapid yung namalayan ko na lang may dalawang paa na sa balikat at parang slow motion na tumaob ang raft namin.

anak ng daeng na panot! nasa ilalim ako. mega hawi ako ng raft para makalitaw sa tubig pero parang wa epek. syet. ayokong mag-panic. hawi pa rin. ayun. finally nalabas ko ulo ko sa tubig. kaso fuschia fink! ang tubig panay ang hampas sa mukha ko. nakainom tuloy ako ng tubig (panay ang burp ko tuloy after ). at ang lakas ng current kaya ang layo ko na sa raft namin at hinabol na ako ng guide. hehe. kita ko pa mukha nya na parang worried. kasi pala ang layo ko na talaga. pagkakuha nya sa kin panay ang sabi nya ng relax, relax. hehe. pasaway kasi ako. pilit na lumalangoy. e naalala ko sabi ni jerome pag tumaob ang raft concentrate on floating don't swim at baka may matamaan ka. tapos napakapit pa ako sa leeg ng guide/rescuer. kaya nung naibalik ako sa raft sabi sa min wag daw kakapit sa leeg ng rescuer at baka parehas kaming malunod. hehe. obviously ako yung pinariringgan. pero ok lang. ang saya! sobra. pero dami pang rapids. yung isa muntikan na naman kaming tumaob. ni-balance na lang ni kuya guide yung raft namin. at nilapit na nya ako sa kanya kasi nga pasaway ako. para daw pag nahulog ako madali na nya akong mahahablot . tapos may dinaanan pa kami na ilalim ng bato. na ang tawag nila ay eraser. mae-erase kasi mukha mo pag pasaway ka. sobrang baba kasi nun at kung hindi ka hihiga sa raft sasabit talaga mukha mo. aliw. natakot din ako dun ah. tapos nung finish line na, hay! sarap ng feeling! may prize kaming pastel kasi daw lahat kami tumaob ang raft (bale 3 set of rafts kami lahat).

ang saya!

gusto mo pa? punta ka na lang sa jologs journal ko :p -> www.xanga.com/marlin





Advertisement



Tot: 0.136s; Tpl: 0.013s; cc: 7; qc: 44; dbt: 0.0396s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1; ; mem: 1.2mb