Advertisement
Published: March 10th 2012
Edit Blog Post
Mount cristobal.
Ang bundok na may karugtong na caption, “the devils mountain”. Madalas natin sya mapanuod sa tv. Maraming beses narin nagpabalik balik ang media sa bundok na to. Anu nga ba ang meron?
Mumu. Madaming mumu. Yan ang impression na binigay ng media sa kanilang mga shows. Ganyan din naman ang mga kwentong naririnig mo sa mga kaibigan, tropa, tatay, tito, kuya, ate, nanay, kapitbahay, kainuman, at kahit na sino pa. Pero laging kalakip ang word na “SABI NILA”. Ano nga ba ang meron dito? Anong hiwaga ang taglay ng kinatatakutang Mount Cristobal.
Paghahanda.
Nung sineset palang ang pag akyat sa bundok na to madaming gusto umakyat. Siguro di pa nila alam ang mga rumors dito. O baka di nila napanuod ung palabas na un sa channel seven. Ewan ko lang pag napanuod mo. O cge na nga ikkwento ko ng bahagya. Wag kasi puro facebook, nuod nuod din ng tv ok?
Nagpunta ang mga crew ng isang tv show sa isang sikat na network. Ay nabanggit ko na pala. Syete un. Di ko lang matandaan ung palabas. Nagpunta sila para mag cover at kumuha ng mgandang cover story. May mga kasama silang Psychic (tama
ba spelling?). Opo mga psychic at hindi sidekick. Ang sidekick, sa mga superhero lang po un. Dahil ang superhero di na kailangan magdala ng malaking backpack at di na kailangan magpakahirap umakyat ng bundok. May superpowers sila. Isang lipat at teleport lang nandun na sila. Isang utot at nasa tuktok na sila. At alam nyo kung bakit reporter ang mga nagpunta at hindi superhero? Un ay dahil takot ang mga mumu sa superhero. Pansinin mo wala pa namang superhero na nag ghost hunting diba? Sa pagkakatanda ko. Erase erase erase. Sa pagkakaalala ko pala. Baka sabihin mo kasi gurang nako.
Tuloy tayo, ung media may kasamang psychic na nagddrawing. Lahat ng nakikita nya dndrawing nya. Lahat lahat sa mount cristobal. Kung napanuod mo to. Tatayo ang balahibo mo. Katakot din tlga. Kaya nung narinig ko na dun sila pupunta. Sabi ko sa sarili ko, “aba teka? Sira ba ulo ko?” at napatunayan ko na sira nga tlga ulo ko kasi sumama ako. Buo ang loob sabog ang utot. Manipis ang bulsa, makapal ang mukha.
Larga. bili ng mga kailangan, hiram ng mga kulang na gamit, kumbaga Full Packed nga naman daw. Dun kami natulog sa bahay ng nag
organize para malaman kung ano ang mga dala at kung ano ang mga kulang pa. Planning daw. Xiempre ibang level tong akyat na to. Di tulad ng mga unang post, happy happy lang. eto medyo seryoso. Katakot kasi. U know. Hahaha.
Sakay pa zapote, sakay pa alabang, sakay pa lucena. Baba sa santo thomas, wiwi sa chowking hintay ng nirentang jeep.
Mga isang oras dumating na si kuya lito kasama ang driver at isang guide. Tuloy ang akyat. Ddalhin daw kami sa Jump off na tinatawag. Habang nsa jeep may kumakabog sa dibdib ko. Naisip ko kasi crush ko. Hahaha kala mo kabado? Naisip ko kasi syang di ko sya kasama. Ooohhh landi oh? Hahaha. Mabalik ako. May halong kaba at excitement. Kitang kita mo kasi sa loob ng jeep na lampas ulap ung bundok na un.
“Napasubo ba ako? Ito naba huling araw ko sa earth? Teka di ko pa alam kung kanino ko papamana ung hopiang munggo dun sa kwarto ko.”
Sumakay ang iba sa bubong ng jeep. Top load ata kung tawagin. Gusto ko sana kaso antok pako. Bukas nalang. Pikit pikit muna ako sa jeep. Medyo mahabang byahe pero nakarating sa jump
off. Unat dito unat doon. Nag dasal din kami J
Simula ng trek.
Patag. Sementado. Okay ang daan. Pagliko sa kanan, “ay P*&^!!! Ang tarik nman!”. Tuloy padin naman ang lakad. Dala dala ang napakabigat na bag. Dala ang malaking unan. Erase erase erase. Dala ang maraming tubig. 6.5liters lang dala ko. Weak kasi ako. Hahaha. Pero ampucha ang hirap nadin ah. Halos di nako makausap. Tuloy ang lakad namin papuntang Montelibano. Dun daw kami magllunch. Agad naglaro ang isip ko. Sabi ko sa sarili ko magbabawas ako ng kargada. Kelangan kumaen ako madami at inom maraming tubig para gumaang. Ayun busog. Mga ilang minutong pahinga, uumpisahan na.
Nung umaakyat na. di maiwasang di titirek. Masyado kasi steep ung mga steps. Medyo ok lang kasi malamig. Tulad ng dati gusto ko sa gitna lang ako ng grupo. Mas maganda kung meron ding buddy. Para alam mo di ka nagiisa kung sakali magkaron ng problema. May rescue kagad.
Ang sarap. Di ka masyado uhaw. Pero tagaktak parin ang pawis. Panay ang papak ng trail foods. Panay din ang tirek.
Nakakita ng mga wild berrys, wild flowers, wild pupu. (may nagtanim ng bomba sa gild gild)
Medyo katakot din tlga ilibot ang mga mata sa paligid. Pakiramdam mo ksi madaming nanunuod sayo. Katakot mamulot ng kung ano. Habang naglalakad medyo nagttry mag blend in sa environment.
At narating ang camp site. Pichur pichur, tayo tent, luto, idlip, kaen.
Night life na. socials. Di ko na iddetail ang mga susunod na pangyayari. Pero magbibigay ako ng ilang spills.
1.) Slow moving flashing light
2.) Shadows in the dark
3.) Yabag ng mga paa sa ulan
4.) Tahol ng aso sa camp (wala naman nakakaakyat na aso dun.)
5.) Strange conversations on portable radio
-Tulong… tulong…
-Naakyat kayo ng bundok di kayo nagtatabi tabi po! (girls voice)
-Pinsan mo ba yang ksama mo? (girls voice)
-strange humming/singing
Hanggang ngaun may chills padin pag naalala ko. Pero pinili kong matulog kahit sinisiksik ako ng katabi ko sa tent. Maluwag naman sa loob.
Pag gising timpla ng kape, akyat summit. Ang ganda. Totoong lampas ng ulap ang view. Ok ang clearing. Kita pa ang seven lakes of laguna. Astig tlga. Sulit lahat ng pagod.
Nagligpit narin kami pagkatapos. Nagiwan naman ng remembrance ang iba. Nagtanim ng
bomba. Pero nabigo sila kasi meron ng nauna. At napasigaw sila nung nakita nila. Tapos mahapdi pa sa pwet ung wet wipes na gamit nila. Hahaha
Bumaba. Nadulas, at nakarating ng montelibano.
Sabi nila swimming daw sa ilog. Pero 1 hour na lakaran pa pala ulit dun. Medyo msakit ang bagsak ko sa bundok kaya medyo hirap ako pababa pero ok naman. Dumating ang jeep. TOP LOAD NAMAN AKO! Hahaha ang sya! Peste para nirerape sa pwet sa tuwing dadaan sa lubak. Pero enjoy naman J
Narating namin ung ilog. Jump off pala ng mount banahaw un. May igiban ng banal na tubig na nkakagaling. May liguan din. At ang makasaysayang banal kweba.
nagluto ang iba. Naligo na kami. Pumunta sa entrance ng banal na kweba. It reads “Bawal po mag ingay”. Pumasok kami, ay sya. Gagapang pala tapos wala pa kami kandila na dala. Ang dilim tlga. Wala kami makita. *message cannot be displayed *
bat ganon may putol? Ayoko na ikwento baka sabihin nyo binastos namin ung tradisyon ng mga deboto e. di naman sadya. Pero happy kami na nakapasok kami dun sa holy place na un.
Bili ng souvenir, pasalubong, pichur
pichur, sakay sa bubong ng jeep habang nakavideo, swabeng experience overall. Di ko kayang ipaliwanag sa blog ung feeling. Pero astig.
Advertisement
Tot: 0.076s; Tpl: 0.012s; cc: 8; qc: 54; dbt: 0.0447s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1;
; mem: 1.2mb