TRAVEL o LABOY?


Advertisement
Philippines' flag
Asia » Philippines » Cavite » Dasmariñas
March 2nd 2012
Published: March 2nd 2012
Edit Blog Post

pag TRAVELang binabanggit, ang dating.... meron kang lugar na pinuntahan. somewhere na medyo sosyal. ung tipong, boracay. ilocos, palawan, hong kong disneyland, kinabalu, babalu etc.

kapag naman LABOY ang binabanggit ang dating naman, somewhere na dyan dyan lang. Ung tipong lugar na common lng. tipong, esem, kadiwa park, tambayan, bahay ng tropa/jowa/etc, talipapa at kung saang lugar na di matatagpuan ang salitang susyal.



ako si jay. isang palaboy. oo palaboy. pero hindi ung literal na palaboy na nakikita nyo sa kalye. hmmmm. slight lang pag mahaba ung bigote at balbas ko. hilig ko lumaboy. magpunta kung saan saan. pero di ako mahilig mag TRAVEL. un ay dahil di ako susyal at pangalawa wala akong pera. pero anong ginagawa ko sa isang TRAVELBLOGSITE? hindi ko rin alam kaya walang paki alaman.

ano nga ba ang mga lugar na pinupuntahan ng batang palaboy na tulad ko?

masarap magpunta sa mga bukid bukid. mapa umaga, hapon o gabi. oo gabi nga. try mo minsan.

1.) tambay kayo sa bukid, mag siga kayo ng bahagya para may ilaw kayo (feeling nyo camping). epektibo rin gamitin ang tuyong pupu ng kalabaw or baka. arti ah? oo alam ko reaction mo. di na un mabaho no tsaka tuyo na naman un. wag kana choosy jan. alam mo ang baka at kalabaw grass lng kinakain nyan kaya di ganun kadumi ung pupu nila. tas maganda rin sindihan un kasi matagal mwala ung apoy. pede ka nga magluto dun e.

2.) paminsan minsan masarap humiga sa damuhan (o alam ko na kagad nasa isip mo patapusin mo muna ako). masarap humiga sa damuhan para mag star gazing. paramihan kayo ng nakita para malaman na naglolokohan nalang kayo at nag iimbento na ung kasama mo na may nakita syang shooting star pero eroplano lang.

3.) Inuman. maiba lng ang venue. pede mag inggay di nakakahiya sa mga kasama sa bahay at mga kapitbahay. instant access sa CR pero walang hugas hugas. taas kamay tas apir sa tropa. orayt. instant higaan din sa mga lasing. instant arena din sa gusto mag boxing, wrestling, ufc, kickboxing, sabunutan, dance showdown, fliptop battle, at pick up-an.

4.) pede ring magtakutan. minsan may momo sa bukid. tipong kakaibang ibon, asong nakakatakot, lumulutang na ilaw, babaeng lumututang, nakakalat na condom etc. masaya magtakutan sa bukid. siguradong magtatakbuhan kayo pag nagkatakutan na. merong maiiwan ang tsinelas, meron mapupunit ang damit, merong masusugatan ang mga tuhod, braso, mukha. meron din namang ginagawang patag ang baku bakong daanan sa bilis ng takbo. merong naiyak dahil naiwan sa pinaka likod at feeling nya may kasunod xa na kung ano.



masarap umakyat ng bundok. masarap mangisda sa ilog. masarap maligo sa ilog. masarap mag camping, masarap mag ihaw ihaw habang nag ccamping. masarap sumakay ng bus na malayo ang byahe. masarap umutot sa byahe. lalo na pag aircon. masarap magbyahe na may katabing chicks. pero sana magkakilala kayo. masarap din maglakad ng malayo. masarap mag bike. masarap mag stroll. masarap magdala ng cooler na puno ng beer. masarap lumaboy. pero masarap din ako. try mo. hahaha

dito sa blog na ito. dito ilalahad lahat ng laboy ko. ako. ako si jay ang batang palaboy.

Advertisement



3rd March 2012

nice
nice one jay.galing!
3rd March 2012

re: nice
ahaha.. maganda nga naman kung may words din ung mga pictures of adventures mo. to tell the story behind it. :) this way siguro mas gaganahan pako sa pagkuha ng pichurs. salamat aya. akyat na ulet!

Tot: 0.078s; Tpl: 0.008s; cc: 11; qc: 54; dbt: 0.0459s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1; ; mem: 1.1mb