America, the second time around!


Advertisement
United States' flag
North America » United States » New Jersey » Deptford
January 1st 2010
Published: November 3rd 2010
Edit Blog Post

USA - The second time around

MNL - NGO - DTW - PHL; These are my flight itinerary. December 16, 2009 dumating ako sa NAIA ng 3am. Pinuntahan ko agad ang check-in counter ng Northwest Airlines at napansin ko na medyo may kahabaan na ang pila dahil siguro marami na ang mag ba-byahe dahil magpapasko. Bago ka pumasok sa linya any tatanungin ka muna ng mga staff kung ano ang reason mo sa papgunta sa US, at titignan din nila ang iyong travel documents. Pagkatapos nun ay nag antay ako ng 45 mins na nakapila. Nakita ko na meron mga check-in kiosk pero di pa ginagamit. Sa check-in counter ay binigay ko na ang aking mga travel documents like passport, visa at e-ticket at iniwan ko na din ang aking dalawang maleta. Matapos nun ay binigay na sa akin ang boarding pass ko with flight number NW318 bound for Detroit, Michigan with stop over at Nagoya, Japan. Nagbayad ako ng travel tax at dumiretso sa immigration at buti na lang wala ng pila! Tinatakan ang aking passport at wala ng katanungang naganagp. Hahahaha. Dahil mahaba pa ang oras ay nag tanong ako sa gurad kung saan ang smoking lounge(naninigarilyo pa ako dati nun) at sabi sa akin ay sa sampaguita lounge sa 3 rd floor ng airport. Dali dali akong nagpunta sa elevator. Pagpasok ko sa Sampaguita ay pay lounge pala ito! At I need to pay P500.00 pero sabi sa akin ay kasama na ang pagkain (eat all you ca buffet) at one to sawa na drinks! Di na ako nagdalawang isip. Nagbayad ako at tinignan ang boarding pass ko. Pili ako ng magandang upuan, iniwan ang aking backpack at dali daling nagpunta sa buffet breakfast area. Bumalik ako sa table ko at sinimulang kumain. Matapos nun ay sindi na ng yosi at fi-neel ang lounge hehehehe. Medyo may kalamigan na sa loob kaya nag suot na ako ng jacket. Sindi ulit ng yosi at inom ng juice at pagkatapos ay nakaidlip na ako. Maya maya ay narinig ko na sa public address system na boarding na ang NW318 kaya tumayo na ako at dali daling nagpunta sa boarding gate ko. Bago ka pumasok sa boarding gate ay meron na naman last na security check. Buti na lang ay huli na ako dumating sa boarding gate kaya wala ng pila sa security. Napansin ko ang eroplano ay Delta na (nag merge na ang NW at DL) bago ako pumasok sa tarmac ay tumawag muna ako sa daddy ko na paalis na ako at wag ako kalimutan sunduin sa Philadelphia Airport hehehehe. As usual since on-line ako bumili ng ticket ay nakapili na ako ng aking upuan.. sa bandang likod lagi ako at aisle. Aisle lagi ang kinukuha ko pag long-haul flight para di ako nakakaistorbo pag pupunta ako ng cr. Luckily, wala akong katabi yey! Solo ko ang buong row. Oras na ng paglipad at tumingin ako sa bintana at ang ganda ng langit pag bukang liwayway! Hahahaha 6:20 am konti pa ang smog sa manila kaya kita pa ang ibaba. Makailang minuto lang ay nagbigay na ng hot towel in preparation for breakfast. Nakalimutan ko na nga ang kinain ko eh. Maya maya lang ay naka idlip na ako. Manila to Nagoya is about 4 hrs flying time. Naalimpungatan ako dahil nagsabi na ang piloto na mag ready na para sa pagland sa Nagoya.

STOP-OVER sa Nagoya, Japan

Paglabas na paglabas pa lang ng pinto ng eroplano ay mararamdaman mo na ang lamig! Sumusuot sa mga puwang sa tarmac ang lamig! Wow! Ang lamig! This is it! Winter na! bigla akong napaisip what more sa US! Hehehe. Sarap singhutin ng lamig! Pagkalabas ng tarmac ay diretso kami sa transfer area in which we have to go through another security. Pagkalagpas ng security at aakyat ka ulit para sa boarding area. Yun ulit ang eroplanong sasakyan papunta ng Detroit. Dahil mahigit isang oras ang lay-over time ay nagpunta ako ng smoking area nila. Di na ako nagtanong kasi pangalawang beses ko na na mag stop over sa Nagoya airport. Walang katao-tao at ang laki ng airport. Ang mga makikitang mong mga pasahero ay mga naka suot na ng winter clothes hehehehe. Makatapos humithit ng 3 sunod sunod na sigarilyo ay lumabas ako ng smoking lounge at umupo na sa waiting area. Ewan ko ba parang nahilo ako sa usok hehehe. Ilang saglit lang ay nag announce na ready for boarding na ang NW318 bound for Detroit, Michigan. Syempre priority ang mga sky miles medallion! Tapos sumunod na ang pila ng mga economy pax hehehe. I have the same seat number at wala pa rin ako katabi! Sinuswerte talaga ako dahil more than 12 hours ang flying time from Nagoya to Detroit ay pwede akong humiga sa bakanteng upuan. Maya maya ay nag take-off na ang eroplano. Ilang saglit lang ay nagbigay muna ng light snack at naubos ko agad. At matapos nun ilang minute lang ay nag bigay na ng hot towel in preparation for dinner! Matapos kumain ay patugtog ng mp3 at nakatulog na. paggising ko ay madlim na sa loob ng eroplano pero patuloy a rin ang kanilang flight entertainment.. kalimutan ko na yung mga pinalabas na movie. Maya-maya ay nagbigay na naman ng light snack. Humiga na ako at ang ulo ko ay nasa arm rest at ang paa ko ay nakasandal sa bintana dahil wala naman akong katabi.. siguro inggit yung mga ibang pasahero dahil meron sila katabi hehehehe. Pagkagising ko ulit ay nagpunta koa sa alley para kumuha ng pepsi at some pretzels at balik sa upuan at nanood ng movie. Since wala na naman magawa ay balik tulog na lang ako. Maya maya ay nag serve na naman ng light snack at balik tulog na naman. Pagkagising ang tumayo ako sa likod at tumambay lang para naman dumaloy ng normal ang dugo ko hehehehe. Nakita ko sa monitor ang flight path namin at nasa airspace na kami ng Canada. Maya maya ay lumiliwanag na at sumilip ako sa bintana at puro puti ang nakikita ko. Wow snow ito! Makailang saglit ay nagbigay na ulit ng hot towel para punasan na ang aming mga mukha hehehe. Ilang saglit ay nag bigay na ng breakfast. Matapos kumain ay umikot na ang mga flight attendant para magbigay ng arrival immigration form o I-94. after more than an hour ay nagsimula na mag descend ang eroplano tingin ako sa bintana at nakikita ko na mga bahay at mga punong wala ng dahon. Kala ko pa naman ay meron snow na. ilang saglit ay nag touch-down na kami sa Detroit.

POINT OF ENTRY - Detroit, Michigan

Ang lamig! Mas malamig pa sa Japan at nasa tarmac pa lang ito ha! Pano pa kaya pag labas mo! Nakikita mo yung mga nagtatrabaho sa labas mga nakasuot na ng makakapal ng kacket at mga naka ear muffs na hehehe. Since medyo may kahabaan ang tarmac ang nanginig na ako sa lamig considering na naka suot na ako ng jacket sa pinas pa lang. pagka baba ay eto na ang immigration at the same pa rin nakakanerbyos kasi tahimik at meron gaano pila. Napunta ako sa isang black lady na immigration officer at as usual tanong kung ano purpose at sabi ko ay will spend the holidays with my family. Kinunan ako picture at biometrix at tinatakan ako ng 6 months hahaha same as before at ayun nakalabas na din ng immigration kaya siguro mabilis lang ako dahil this is the second time na nagpunta ako ng US at same point of entry din.. Next ay punta sa carousel para kunin ang mga bagahe at passed through customs. After customs ay punta naman ulit sa baggage re-check para chek-in ulit maleta ko to my final destination in Philadelphia. Pila sa isang security check at ayos na. Welcome to America na Unit hehehehe. Akyat ako sa escalator para puntahan na ang boarding gate. At tinignan ko sa mga monitor kung saan gate ang NW2336 bound for Philadelphia. This time I will be travelling domestic na hehehe. Since there’s a lot of time to spare ay nag take out ako ng lunch sa popeye dahil katabi lang yung na boarding gate ko at dun na ko kumain ng waiting area. Puro mga lahing puti na ang nakikita ko at kaunti na lang ang mga asyano hehehe. Nakakatuwa dahil puro mga naka winter clothes na ang suot nila. Gusto ko na nga ilabas yung leather jacket ko para winter na winter na ang kasuotan ko pero kaya pa naman ng light jacket ko kasi nasa loob pa naman ako. More than an hour passed at nagsabi na ng we are now ready for boarding. Pagpasok ko ng tarmac ay ramdam na naman ang lamig.. tagos sa buto! At pagpasok ng eroplano ay medyo nagging ok na ang temp. ang upuan ko na ay sa window kasi nagbabakasakali ako na makakita nko ng meron snow sa ibang state hehehe. Ilang minute lang ay lumipad na kami. Ang flying time from Detroit to Philadelphia ay 1.5 hrs lang. ilang saglit lang ay nagbigay na ng soda at some pretzels. Di na ako nakaidlip kasi saglit lang ang byahe at nakatingin ako sa bintana naghahanap ng area na meron snow pero sa kasawiang palad ay wala ko nakita snow! Maya maya ay nagsimula na mag descend ang eroplano at in no time ay nag land na sa Philadelphia Airport.

PHILADELPHIA

Bago ako lumabas ng eroplano ay sinuot ko na ang aking leather jacket! Wow ang porma porma ko na. naka jacket na ko sa loob at meron pang leather jacket na isa hehehe. Dali dali akong lumabas ng eroplano feeling ko ako si james dean hahahaha. Napaisip ako kung sino kaya ang mag susundo sa akin? Bago ko kunin ang aking mga bagahe ay nag punta muna ako sac r at para isuot ang aking scurf! Whala! Ang ganda na ng porma ko! Parang arrive in style hehehe. Pagkakuha ko ng mga maleta ko ay dun na ako nag antay sa malapit sa exit at tuwing bumubukas ang pinto ay nararamdaman mo na ang lamig! Wow! Can’t wait to go outside. Nag text na ko sa kapatid ko kasi kinakabahan na ako dahil wala pa sila at nag text back na antay lang dahil papunta na sila. Ok! Habang nag aantay ako ay lalabas muna ako para mag yosi! Ayun! Pag labas wow! Heaven! Ang lamig… ang sarap! Pagkasindi ko ng yosi ay hinanap ko agad yung gloves ko kasi masakit sa kamay ang lamig! Talagang fi-neel ko ang lamig. Aba! Walang ganito sa pinas hehehehe. Pagkaubos ng yosi ay pasok ulit.. lamig eh! Masid masid muna ulit sa loob tapos labas ulit para yosi at singhutin ang lamig. Pagkaubos ay pasok ulit. Ilang saglit lang ay nakita ko na kapatid ko na papunta na sa loob at meron dala pang jacket. Kala nya kasi light jacket lang ang dala ko eh di nya alam ready na ready na ang kasuotan ko pang winter! Ang sumundo sa akin ay kapatid ko, bayaw, at dalawa kong pamangkin. Hay sa wakas nasa amerika na! tinanong ko agad kapatid ko kung bakit wala pang snow pero sabi sa forecast ay mag snow daw within the week. Sa New Jersey talaga ang bahay nila pero kaya sa Philadelphia airport ako ay dahil 20 minutes away lang ang bahay nila from the airport di tulad ng una kong punta sa Newark ako nag land at 1.5 hrs pa ang travel papunta sa bahay nila.

NEW JERSEY

Pagkadating naming ay nag un-load lang ako ng mga gamit ko at binuksan yung mga pasalubong ko sa mga bata. Nandun na nag aantay parents ko hehehe. Matapos nun ay lumabas kami para mag dinner sa isang buffet na resto. Ang nilantakan ko ay yung mga sushi at snow crabs! Sarap pala nun kahit puro mga sipit lang hehehehe. Pagkauwi ng bahay at gabi na at grabe ang lamig! Sumusuot sa pantalon ko ang lamig. Pagpasok sa bahay ay kwentuhan ng konti at labas ulit ako para mag yosi.. syempre dun na ko sa garahe lumalabas kasi discreet ang pag yosi ko at ayoko Makita nila lalo na ng mga bata. Nanginginig ako habang nag yoyosi! Wow talaga! Ang lamig! Ganito pala ang winter hehehe pero sana meron snow ;(. After a few days ay nagsimula na mag snow at hindi lang basta basta snow ito. Snow storm! Wow! Yehey! Labas ako with winter costume with my pamangkins at naglaro sa snow at the same time ay mag shovel at ang kapatid ko ay busy sa pagkuha ng picture ko para pang facebook hehehe. Di ko namamalayan na ito pala ang simula ng pagkamuhi ko sa snow. Una medyo enjoy mag shovel kasi kinikunan ako ng picture pero wala ng katapusan ang pag shovel kasi patambak na ng patambak ng mga snow. Pag hindi nag shovel ay matatabunan ang way papunta sa garahe. Teka pahinga muna ko kasi sakit na ng likod ko at nangawit na kamay ko. After ilang oras lang ako nagpahinga ay pag silip ko sa bintana at natambakan na naman ng yelo ng shinovel ko! Nakngpucha! Hirap naman pala pag winter at nag snow! Masarap lang magpa picture. Sabi nga snow lang ang pinagdasal ko pero snow storm ang binigay hehehehe. Ilang days din kami nag shovel at mas mahirap pag tumigas na ang yelo mahirap palahin!


Advertisement



Tot: 0.078s; Tpl: 0.012s; cc: 9; qc: 49; dbt: 0.0481s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1; ; mem: 1.1mb