Mount cristobal. Ang bundok na may karugtong na caption, “the devils mountain”. Madalas natin sya mapanuod sa tv. Maraming beses narin nagpabalik balik ang media sa bundok na to. Anu nga ba ang meron? Mumu. Madaming mumu. Yan ang impression na binigay ng media sa kanilang mga shows. Ganyan din naman ang mga kwentong naririnig mo sa mga kaibigan, tropa, tatay, tito, kuya, ate, nanay, kapitbahay, kainuman, at kahit na sino pa. Pero laging kalakip ang word na “SABI NILA”. Ano nga ba ang meron dito? Anong hiwaga ang taglay ng kinatatakutang Mount Cristobal. Paghahanda. Nung sineset palang ang pag akyat sa bundok na to madaming gusto umakyat. Siguro di pa nila alam ang mga rumors dito. O baka di nila napanuod ung palabas na un sa channel seven. Ewan ko lang pag napanuod mo. O
... read more