Advertisement
Published: March 4th 2012
Edit Blog Post
Fun run daw. fun run ang paalam ni marx sa kanyang parents nang umakyat kami sa Mount Talamitam. Narinig ko pa mismo na nagpaalam sa parents nya at nahingi ng snacks (chichas) sa kanyang parents. "Magpapapayat kaba talaga?" yan ang sagot nila.
Si Marx, tropa kong ulikba. First time nya maghiking. Chubby daw sya at di sya mataba. Tapos, "IN DEMAND" daw ung ganung katawan. Ako naman, 1 week palang nakakalabas ng ospital mula sa mahabang confinement. sa isip ko mag kalevel lang kami. kumbaga, PARTIDA.
Dayhike lang kami. kaya konti lang dala namin. maliliit lang ang mga bag namin, dala dala ang ilang litro ng tubig, trail foods, pamalit na damit. Ala sais ng umaga ang call time. Syiempre andun kami mga 6:30 na. Pilipino e. sakay ng bus, katabi ko ang matabang baboy. Ang daldal. Buset. Dun naimbento ang salitang "Shuvaldi" na nung una ay tinatawag nyang mount shuvaldi. Turo dito turo doon, parang batang nasa field trip. May naglabas ng pagkaen. LAFANG! NGASAB! sarap. ryan next time ah nakakalimutan mo ung sandwich e.
Sa jump off, dalawa palang ang naka sulat sa logbook. wala ring mga guide na naghihintay sa baba. Ako, medyo kabado kasi
medyo mahina pa ang baga ko. May kumikirot pa. Si marx, siguro kabado rin. Yosi daw. Pengeng yosi. hithit dito buga doon. Tuloy ang lakad.
May maliit na tulay na dadaanan. PATAY! un kagad nasa isip ko. kasi gawa sa kawayan ung tulay. ilang piraso lang ung tapakan. At si Marx, ALAM NYO NA? GETS hahaha. Pinilit ko mauna kasi inisip ko baka maiwan ako sa kabilang side mag isa. Pero mukhang ok naman pala ung tulay. Nakatawid si Marx at di sya natuhog ng kawayan.
Unang pagsubok ka Marx.
Medyo mapuno at mdaming halaman, samahan mo pa ng gagamba, sapot ng gagamba, insecto na napasok sa ilong. at medyo matarik na akyatan. Ok pa si marx. Pagdating sa kalahati may dumaang pastol ksama ang kanyang kalabaw. nagkantsawan, "Marx mas mabilis pa ung kalabaw sa iyo, yaan mo kaw ung kaunahan baboy sa taas ng Talamitam".
Simangot na simangot na si Marx, pagod na ata, higop ng tubig. hakbang, tirek. Nauna kami ng bahagya para tignan ung taas. Medyo patag na sa taas. kala namin un na. Nag uumpisa palang ang kalbaryo.
bahagyang pataas din sa patag pero sakto lng. di nakakapagod. un nga lang.
tirik ang araw, walang hangin. peste. si marx, pahinga ang sinisigaw pero wala kasi malilim na lugar maganda sana kung sa malilim. Nakakita kami ng puno dun kami nagpahinga. Si Marx, parang ayaw na talaga. Bisngot na ung itsura nya, di maipinta. isang salita lang ang magpapaliwanag, BUSET.
kita na ang malawak na pastulan, taniman, palayan, kangkungan, damuhan. sa likod namin ay tanaw nadin pala ang mount batulao. Dito na ginamit ni marx ung ultimate technique nya na
1. SIGHT SEEING
2. PA PICTURE NAMAN OH? DALI NA
kung di mo alam kung ano ibig sabihin nyan ipapaliwanag ko ulit. yan nag mga style na ginagamit ni marx pag napapagod na xa at gusto magpahinga ng wala sa oras at tamang lugar. napaka effective nito lalo na dun sa mount talamitam. at ito rin ang dahilan kung bakit ako naging nognog. At kung bakit pag naghuhubad ako ng damit, para akong may white tshirt na suot.
Maari mo din itong gamitin sa mga paglalakbay mo sa bundok ng hindi napapahiya at di tinatawag na WEAK.
Ginamit ni Marx ang technique nyang yan hanggang sa marating namin ang kubo. Ang kubo na binansagang "KuboBalu" (from mount kinabalu).
simula dito, wala ng hanggan ang pag tirek ni marx. naisip ko gumawa ng paraan para mamotivate sya. 20 steps tas rest. yan nag sabi ko sa kanya. pero wala pang 20 steps tirek na. wala talaga. idol. Master of Tirek. may dumaang nag titinda ng ice cream. kain kami. Inisip ko baka lumakas ang kolokoy pag nag ice cream. Lumakas nga! lumakas lalo sa inom ng tubig. pati water supply ko tinira na!
Sina ryan at sam nasa taas na. halos nagpapahinga na. kami, nasa baba pa dahil hirap na hirap si marx. Ubos na water supply nya. paubos nadin sakin kakahingi nya. Ang lakas tlga sa tubeg. si ryan nalang pag asa nya para sa tubig. Kaso....
"Marx, habulin moko! nasakin ung tubig.. Marx, dito.. habul." hahahaha yan ang strategy ni ryan. ampness. pero epektib. parang aso lang. pero di nga pala sya aso. maoy sya. maoy. gets?
pag dating sa taas, may naghubad ng shorts. natakbong nakaleggings. TATAE PALA. nag gagawa pala sya ng world record. Lahat ng bundok na aakyatin nya, kelangan mataihan nya. Highly confindential ang name. pero makikita nyo ang picture nya dito. hahaha
si marx naman, picture picture na.
walang humpay ang pagyayabang. nilait pa kami weak daw kami at tirek ng tirek. madami na daw sya naakyat na bundok. orayt. parang walang nangyari. yosi pa nga ng yosi kala mo di tlga bumigay ang baga kanina.
agaran kami kumaen at nagpahinga kasi may natanggap na bad news. dahil dito kailangan namin umuwi ng maaga. ng may dumating
"Sir kaen!" sabi namen
"Galing kaming batulao!" sabi ng lalaking walang kaangas angas ang dating, palakad lakad pa parang may hinahanap na daan
"Sir ilang hours kayo nagtrek from batulao to here" sabi namen
"4 hours lng" sagot ng lalaki na puno ng hangin
"baka pedeng makahingi ng tubig, konti lang." sabi ni boy hangin
ang mga susunod na pag uusap ay di na dpat marinig. dahil mabibisto mo na mga poser lang ang mga mountaineer na to. wala silang dalang gamit. nagporter daw sila. wala naman porter sa baba. tapos hindi nya alam nag traverse. HUWAT?
Nakakatuwa ka iho. ang yabang pa naman ng dating mo. minaliit mo pa na Talamitam lang inakyat namin. Anyways, dito na tumatak ang mga salitang;
"GALING AKONG BATULAO, 4 HOURS LANG.. penge tubig"
bumaba narin kami
ng talamitam after 1hour na pahinga at konting picture picture. naligaw ng bahagya. naiwan ako kasama ang ulikba. tirik master na naman. nakasalubong ang chick na may nakasulat sa short na im ready. habang ang tropa sigaw ng sigaw ng im ready un pala ung babae nandun pa at naririnig sila.
nakita namin ang mga palatandaan, ang unicorn, ang kubo balu, ang tulay and jump off. kain ng banana que, inom ng pop. larga...
sa patag na daan.. sementado... may tumitirik na naman... alam nyo na.
paglabas ng highway, sakay jeep, ligo malapit sa batulao, sakay bus. Chill sa tagaytay.. orayt. sarap. sa susunod na trip ulet.
Advertisement
Tot: 0.067s; Tpl: 0.012s; cc: 9; qc: 50; dbt: 0.0385s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1;
; mem: 1.2mb