Panaginip


Advertisement
Malaysia's flag
Asia » Malaysia » Wilayah Persekutuan » Kuala Lumpur
September 2nd 2005
Published: September 2nd 2005
Edit Blog Post


May mga araw na gusto kong maghabi ng mga salita
Ngunit santambak ang labada
May bahid ng putik ang manggas ng puting kamiseta
Puno ng alikabok ang kurtina


May mga sandaling nais kong saliksikin
ang inililihim ng liwanag
ang ibinubunyag ng dilim
Ngunit kailangang hugasan ang mga nagmamantikang pinggan
Tunawin ang sebong kumapit sa kawali, isisin ang kaldero


May mga panahong nasa ko'y sumayaw sa buwan
sa saliw ng samba, sa indayog ng chacha
hagdan ko'y ulap, tungo sa kalawakan
Ngunit ako'y nahilo, nadupilas
Lumagpak sa lupa








Advertisement



Tot: 0.065s; Tpl: 0.009s; cc: 7; qc: 44; dbt: 0.0457s; 1; m:domysql w:travelblog (10.17.0.13); sld: 1; ; mem: 1.1mb